Itinuturing na mahalagang yugto sa buhay ng mga Pilipino ng Rise Up for Life and for Rights ang pagharap ni dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa confirmation of charges.

Sa Feb. 23 magaganap ang pagbubukas ng confirmation of charges hearing at pagbabasa ng charges laban kay Duterte matapos ideklara na siya ay fit to stand trial

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Rubilyn Litao, Coordinator ng Rise Up for Life, inaasahan na masaya ang marami lalo na sa pamilya ng mga biktima ng war on drugsat buong mundo ay nakaabang dito.

--Ads--

Ito aniya ay unang pagkakataon na mangyayari sa isang dating pangulo na naaresto at nakakulong sa ICC na maituturing na isang hakbang tungo sa tagumpay.

Umaasa silang magtuloy tuloy ang proseso para makamit ang pananagutan.
Naniniwala sila sa pahayag ng kanyang mga doktor na fit to stand trial ang dating pangulo na nangangahulugan na may kakayahan siyang humarap.

Giit ni Litao na na dapat na tumindig ang mga mga pamilya na nawalan ng kaanak dahil sa palpak na polisya ng war on drugs ng dating pangulo.

Matatandfaan na nagtakda na ang International Criminal Court (ICC) ng petsa ng hearing para sa confirmation of charges. Ito ay gagawin sa Feb. 23, 24, 26 at 27. Tatlong oras lang kada araw ang hearing na may break matapos ang isang oras.

Kasunod nito ay ang paglalatag ng magkabilang panig, pati na rin ang paglatag ng legal representatives ng mga biktima.