Dagupan City – Matatandaang noong Oktubre 25, 2024, idineklara ang Lungsod ng Dagupan sa ilalim ng State of Calamity dahil sa mga pinsalang dulot ng Bagyong Kristine sa mga kabuhayan, agrikultura, at imprastruktura ng lungsod.

Patuloy ang mga hakbang na ginagawa upang matulungan ang mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Kristine sa Barangay Mamalingling.

Sa pamumuno ng lokal na gobyerno, nagsagawa ng sabayang relief operation ang mga opisyal ng lungsod at mga volunteer upang maghatid ng tulong sa mga evacuee.

--Ads--

Malaking pasasalamat naman ng mga residente sa mga lokal na lider at iba pang mga katuwang sa pamahalaan, pati na rin ang mga volunteer mula sa iba’t ibang sektor ng komunidad.

Nagsimula ang pamamahagi ng mga relief packs mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) noong Oktubre 24, 2024.

Kasama sa mga tumulong ang mga tauhan mula sa Civil Defense and Rescue Management Office (CDRRMO), Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine National Police (PNP), City Social Welfare and Development (CSWD), at iba pang ahensya ng gobyerno. (Justine Ramos)