DAGUPAN CITY – Itinuturing na historic meeting ang paghaharap nina US president Donald Trump at Russian president Vladimir Putin sa Joint Base Elmendorf-Richardson sa Alaska.
Ayon kay Marissa Pascual, Bombo International News Correspondent sa USA, ito ay sa kabila ng kawalan ng konkretong kasunduan ukol sa ceasefire sa Ukraine; gayunman ay binigyang-diin ni Trump ang pagnanais ng peace agreement kaysa agad na tigil-putukan
Sa press conference, hindi sila nag-take ng mga tanong, at parehong binigyang-diin ang posibilidad ng mga susunod na pag-uusap
Marami umanong tanong ang isinigaw, kabilang dito kung handa na ba si Putin na makipagkita kay Pangulong Volodymyr Zelensky para sa isang trilateral na pagpupulong.
Ngunit wala namang malinaw na reaksyon mula kay Putin maliban sa isang mahiwagang ngiti.
Matapos kasi ng Putin at Trump summit ay makikipagpulong si Trump kay Zelensky sa Washington, DC upang talakayin ang pagtatapos ng mahigit tatlong taong digmaan ng Moscow sa Ukraine.
Sinabi ni Pascual na pinakaabangan aniya kung magbubunga ang meeting ng dalawang lider.
Nillayon umano ni Trump na mawakasan na ang digmaan dahil marami na ang nasasawi.