Dagupan City – Magandang inisyatiba sa mga posibilidad.

Ito ang binigyang diin ni Atty. Michael Henry Yusingco, Political Analyst sa naging panayam sa kaniya ng Bombo Radyo Dagupan hinggil sa sinabi ni dating Defense secretary Norberto Gonzales na dapat ihanda ng gobyerno ang 20 milyong kabataan para sa digmaan sa gitna ng patuloy na pangha-harass at pambu-bully ng mga Tsino.

Aniya, nasa tamang panahon ang sinabing ideya ng Defense Forces ng bansa, dahil na rin sa mga posibilidad na maaring mangyari sa bansa.

--Ads--

Ngunit nauna nang sinabi ni Yusingco na bago isulong at isabatas ang nasabing panukala ay kinakailangan munang ilatag at linawin ang kabuo-ang detalye para sa kaalaman na rin ng publiko.

Hindi lang kasi aniya basta-basta aniya ang gagawing training ng mga kabataan, dahil nasa tinatayang 2 taon ang pwedeng mawala sa kanila upang sumailalim sa nasabing panukala.

Kung kaya’t paglilinaw ni Yusingco, kinakailangan ng masusing pag-aaral sa nasabing inisyatiba ng mga awtoridad partikular na ng Department of National Defense, Department of Interior and Local Government at ng Saligang batas.