BOMBO DAGUPAN – Nagsagawa ang Philippine Statistic Authority Regional Statistical Services Office 1 ng paghahanda para sa 2024 Nationwide Census of Population at Community-Based Monitoring System na gaganapin sa lunes July 15 at magtatapos sa September 15, 2024.
Ang nasabing paghahanda ay dinaluhan ng 4 na provincial offices nito, gaya ng DSWD, DTI, DOH, DOST, NEDA, DILG, DENR at iba pa upang makiisa sa nasabing gawain gayundin ang mga ilang media sa rehiyon.
Ito ay may temang “Sa POPCEN at CBMS, kasama ka sa pag-unlad tungo sa makabagong Pilipinas”, layunin nito na malaman ng tao ang kahalagahan ng census kung saan magtatanong sila ng ilang mahahalagang katanungan para sa kanilang mga datos ngunit nakakatiyak naman ang mga indibidwal na safe and secure ang mga ito base sa sinusunod nilang RA 10173 Data Privacy Act of 2012.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Sheila O. De Guzman Regional Director ng Philippine Statistic Authority Regional Statistical Services Office 1 na isinagawa ito sapagkat natapos na ang National Press Launch kung saan nalalapit na ang napakalaking aktibidad ng PSA na halos lahat ng kanilang resources ay nakatutok dito.
Aniya na ito ay direktiba ng Pangulong Bongbong Marcos Jr. na ganapin na ngayong taon ang census of population na dapat sa susunod pang taon pero napaaga para maupdate na ang populasyon dahil kung maalala ay 2020 pa ang last na census dito.
Samantala ayon naman kay Edgar M. Norberte ang Chief Statistical Specialist, PSA- Pangasinan na handa na ang Pangasinan ukol dito kung saan may mga on going pa na training ngunit matatapos na sa susunod na araw.
Malaki naman umano pasalamat nila sa mga suporta ng LGU’s dito sa lalawigan dahil ito ang pinakamaraming populasyon sa buong rehiyon uno kaya makakatiyak sila na kayang kaya ng mga enumerators ang kanilang quota.