Hindi dapat ipagwalambahala ang pahayag ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief
na hindi maiiwasan na masasangkot ang bansa sakaling lumala ang tensyon sa pagitan ng China at Taiwan.
Ayon kay Atty. Michael Henry Yusingco, political analyst sa panayam sa kanya ng Bomvo Radyo Dagupan, sinabi niya na hindi maipagkaila na dapat talagang maghanda ang mga sundalo natin sa posibleng mangyari bunsod sa patuloy na paggamit ng Beijing ng pwersa upang mapasailalim sa kanilang kontrol ang Taiwan kung saan kamakailan ay nagpadala ito ng army, navy, air, at rocket forces upang paligiran ang Taipei.
Ani Yusingco, na maganda na napag uusapan ito para magkaroon ng kamalayan ang mga tao lalo na ang mga overseas Filipino worker na nasa Taiwan.
Paglilinaw niya na hindi naman niya sinasabi na magkakaroon na ng giyera kundi napag uusapan lang ang mga posibleng mangyari.
Matatandan na sinabi ni Brawner, malayo na ang Northern Luzon Command pagdating sa territorial defense, subalit kinakailang palawakin pa ang saklaw ng mga operasyon sa pinagsamang command.
Kaya hinikayat nito ang Nolcom na hindi makuntento sa seguridad kaya mas maiging magkaroon na ng plano kung sakaling sakupin na ng China ang Taiwan.