BOMBO DAGUPAN- Sumiklab ngayon sa Spain ang isang social media craze kung sa hinihikayat nito ang mga tao na maghanap ng kanilang natitipuhang partner sa supermarkets sa pamamagitan ng pinya. Pero mag iingat ka lang.

Napatawag na kase sa kapulisan ang isang supermarket sa Bilbao City, sa Northern Spain nang dagsain ng mga single ang pamilihan na ito dahil sa nasabing trend. Subalit wala naman naaresto sapagkat agad din silang umalis nang makita ang mga ito.

Kaugnay nito, naniniwala ang mga single people na ito na makakahanap sila ng kanilang love of their life kapag pumunta sila sa pamilihan sa oras na 7pm hanggang 8pm at naglagay ng nakabaliktad na pinya sa kanilang trolley.

--Ads--

At tsaka sila pupunta sa wine aisle upang hanapin ang natitipuhan nilang may nakabaliktad na pinya din sa kanilang trolley.

Kapag natipuhan nila ito, babanggain nila ang trolley ng taong ito upang ipabatid na interesado ito. At pag mutual kayo, maaari niyang banggain pabalik ang inyong trolley o makipag-usap na ito.

Ayon pa sa mga ito, ang karagdagang laman ng kanilang trolley ay pagpapakita pa ng kanilang intensyon, katulad na lamang ng tsokolate o kahit anong candy na nangangahulugang naghahanap ito ng long-term relationship.