Itinanggi ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa Palace briefing ang di umanoy matagumpay na pag-breach ng mga hackers sa webistes ng ilang ahensya ng gobyerno.

Ito ay kasunod ng isang report na ang mga Chinese-state sponsored hackers ay nakapasok sa ilang government websites ng mga ahensya mula sa Executive Department at nakakuha ng mga sensitibong military data hinggil sa West Philippine Sea.

Sinabi ni DICT Secretary Ivan John Uy na walang kasalukuyang datos ang nakumpromiso sa kabila ng mga patuloy na pagtatangka ng ilang grupo na atakihin ang mga government websites.

--Ads--

Kaniyang ipinaliwanag rin na may ilang mga grupo na nagre-repost ng lumang datos upang ipalabas lamang na matagumpay ang kanilang pagtatangkang pag-hack.