DAGUPAN CITY- Buhay na buhay ang pamamaraa ng Sint Maarten sa paggunita ng undas tuwing unang araw ng Nobyembre.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Rosali Realon, Bombo International News Correspondent sa nasabing bansa, nagkakaroon ng kasiyahan ang mga tao kung saan ang pinakakilalang aktibidad na isinasagawa ay ang pagandahan ng halloween costume.
Hindi rin nagpapahuli ang mga bata dahil nagbabahay-bahay ang mga ito para sa kanilang ‘trick or treat’.
Gayunpaman, hindi tulad sa Pilipinas, hindi ito holiday para sa kanila kundi normal na araw lamang.
Wala rin nagaganap na pagdalaw ng buong pamilya sa puntod ng namayapang mahal sa buhay sa sementeryo.
Hindi naman nawala kay Realon ang nakagawian nito sa Pilipinas at nagtitirik pa rin ito ng kandila sa kanilang bahay upang ipakita ang pag-alala sa mga namayapang kaanak.










