Generally peaceful at walang naireport na violations maging sa health protocols ang assessment ng Dagupan PNP sa kanilang pag-antabay sa mga sementeryo ngayong paggunita ng Undas 2021.
Ayon kay PLTCOL Luis Benjie Tremor, ang Hepe ng Dagupan PNP, nasa 7,000 ang kabuuan ng bumisita sa pitong sementeryo sa lungsod na kinabibilangan ng apat na private cemetery at tatlong public cemetery.
Dagdag pa nito na may kabuuang 67 na personnel ang idineploy ng himpilan sa mga sementeryo ng siyudad upang masiguro ang pagsunod ng mga residente sa mga protocols.
Ngayong sarado rin ang mga sementeryo ay very peaceful ang mga lugar at ang nakakapasok lamang dito ay ang may mga kamag-anak na ililibing
Bago pa man ang Undas ay nagkaroon na rin umano ng inter-agency coordinating conference sa lahat ng agency sa lungsod kasama ang mga barangay captain para sa kapayapaan ng mga sementeryo.
Dagdag pa ng opisyal na maging sa mga tourist spots partikular sa Tondaligan beach ay may personnel na itinalaga para maiwasan ang pagkalat ng covid19 dahil na rin sa pagdagsa ng mga residente at turista.