BOMBO DAGUPAN- Kasabay ng paggunita ng kaarawan ni Andres Bonifacio, ito rin ay araw upang manawagan sa pamahalaan ang Kilusang Mayo Unosa mga naging pagkukulang nila sa pagtugon sa mamamayan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Jerome Adonis, Secretary General, Kilusang Mayo Uno, ang panawagan sa pamahalaan ay parte ng democratic rights ng publiko, kung kaya’t ngayong araw ay nagtungo ang mga ito kasama ang iba pang mga samahan sa embahada ng Estados Unidos upang iparating ang kanilang panawagan.
Nauna nang sinabi ni Adonis na sa panahon Bonifacio ay naghangad ito ng kalayaan laban sa mga kolonyalismo ng mga Espanyol.
Ngunit, sa kasalukuyan kahit pa hindi naman ibang lahi ang nakaupo sa puwesto ay nagpapakita pa rin ito na sila pa rin ang komokontrol sa pamahalaan.
Kaugnay nito, isa rin sa ipinanawagan nila sa MalacaƱang ay ang pagtaas ng sahod sa mga manggagawa.
Dahil aniya, sobrang taas na ng mga bilihin at serbisyo kung kaya’t hindi nagiging sapat ang mga ito sa pang-araw araw na gastusin ng mga mamamayan.
Dagdag pa niya na kailangan nang matigil ang naitatalang mga karahasan sa mga kilusan.
Sa pangkalahatan ay sinabi ni Adonis na ang kanilang isinasagawang pagkilos ngayong araw ay para sa pagtugon sa panawagang kalayaan, kagutuman, laban sa injustice, red-tagging, at ang pag-alis ng control ng Estados Unidos sa bansa.