Dagupan City – Hindi pa rin magiging sapat kung gagamitin ang misuse of funds para sa impeachment offense kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Atty. Michael Henry Yusingco, Political Analyst, kahit pa pagsasama-samahin ang ginawa ng bise sa misuse of funds, malayo pa rin ito sa mga naging impeachment kina dating pangulong Joseph Ejercito Estrada.

Ngunit kung madagdagan pa naman ito aniya, maaring humantong ito at mahulog sa indictment.

--Ads--

Nilinaw naman ni Yusingco ang DBM National Budget Circular No. 521, na siyang nagsisilbing rules and regulation kung paano gagastusin ang confidential at intillegence fund.

Ani Yusingco, ang intelligence funds ay ginagastos lamang sa opreations na nangangalap ng impormasyon, surveillance at kaalaman.

Hinggil naman sa issue sa West Philippine Sea at mga nangyayari sa foreign policy, hindi pwede ang ginagawa ng bise na palaging tikom ang bibig o “no comment” dahil dapat aniya niyang ipakita na kaya niyang maging presidente ngayon pa lang, dahil iyun ang kaniyang tungkulin.