BOMBO DAGUPAN – Marami ang naniniwala na safer alternative ang paggamit ng vape kumpara sa sigarilyo ngunit napakaraming sangkap ng juices ng vape na maaring makasama sa kalusugan.
Ayon kay Dr. Rheuel Bobis Medical Officer IV , Department of Health Region I sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan sakanya na ang mga chemicals sa mga vaping products ay maaaring magdulot ng consolidation kung saan nagdidikit-dikit ito dahil sa implamasyon ng mga kemikal. Aniya ay may nicotine parin ito na nagiging sanhi ng pagka-adik ng mga gumagamit.
Matatandaan na may una ng naitala na nasawi dahil sa paggamit ng vape kung saan nilinaw ni Dr. Bobis na itinataas ng vape ang risk ng tao katulad ng sakit sa puso na naging sanhi ng pagkasawi ng napaulat kamakailan.
Ang paggamit nga ng vape ay hindi lamang naapektuhan ang mga direktang gumagamit kundi maging ang mga nakakalanghap din ng usok nito na tinatawag na “secondhand smoker”. Aniya na base sa mga pag-aaral ay kaparehas din ang nakukuhang sakit gaya ng mga direktang gumagamit ng vaping.
Binigyang diin din niya na kasinungalingan lamang ang mga claim na healthier at safer ito kaysa sa sigarilyo kaya’t maiging wag maniwala at magpaloko.
Kaugnay nito ay nagtayo nga ang Department of Health (DOH) ng tintawag na “quit line” isang support services para sa mga smokers na handa ng itigil ang paninigarilyo kung saan ay pwedeng tawagan ang kanilang hotline na 1558 at doon ay maari kang kumausap ng pwedeng gumabay sa iyo.
Samantala,dahil panahon na nga ng tag-ulan ay pinaalalahan ni Dr. Bobis ang publiko na mag-ingat dahil sa ganitong panahon ay nagkakaroon din ng pagtaas sa tinatawag na WILD diseases o kinabibilangan ng waterborne diseases, influenza like diseases, leptospirosis at dengue.