Isinusulong pa rin ang paggamit ng teknolohiya para sa layunin mabantayan maigi ang pondo ng bayan, kasabay ng mga nararanasan pagbaha sa bansa.
Kung saan ipinapanawagan maipasa na ang panukalang batas ni Sen. Bam Aquino na Citizen Access and Disclosure of Expenditures for National Accountability o CADENA Act.
Nakakuha ito ng suporta maging sa aktor na si John Arcilla, kilala bilang gumanap na Heneral Luna, na patuloy maipanawagan ang pagsasabatas ng panukala.
Hinimok kasi maging ang iba pang online media personalities na suportahan ito sa paniniwalang ang ‘blockchain technology’ ay makatutulong maitaguyod ang ‘transparency’ at ‘accountability’ sa paggasta ng pondo ng bansa.
Sa ilalim kasi ng CADENA Act, inaatasan ang lahat ng ahensiya na mag-upload at regular na magpanatili ng detalyadong mga dokumentong may kinalaman sa budget sa isang Digital Budget Platform.
Layon sa panukalang batas na magkaroon ng sistemang magagamit upang matiyak na ‘accesible’ sa publiko ang mga dokumento, maging open-source, at nasusubaybayan.
Bukod sa aktor, magugunitang umani na din ng suporta ang panukala mula sa iba’t ibang mga nasa industriya.










