DAGUPAN CITY – Mahalaga ang paggamit ng suncreen bilang proyteksyon sa balat sa banta ng UV rays lalo na ngayong summer season.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Doc. Wilsky Delfin Naturopathic Doctor/ Herbalist/ Natural Spine Alignment Specialist, dapat na gumamit ng Suncreen na may broad SPF protection para maiwasan ang ilang mga sakit sa balat at premature aging.
Aniya, hindi lang ito dapat na ginagamit sa labas ng bahay kundi pati na rin sa loob ng bahay dahil sa banta ng UV rays.
Dagdag pa ni Doc. Delfin, dapat mag-ingat sa pagbili ng sunscreen sa online platforms.
Sa huli, paalala niya na ang paggamit ng sunscreen ay hindi lamang para sa kagandahan, kundi para sa kalusugan.
Kailangan din aniya ng proper diet at hydration upang matulungan ang balat laban sa mga sakit.