Hindi maaaring magkaroon ng mga sopresang ebidensiya o mga pangyayari na hindi nakasaad sa mga teoryang inilahad sa unang pagdinig ng kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Francis Dominick Abril – Legal/Political Consultant ang mga napag-usapan lamang sa nangyaring kumperensiya ang maaaring gamitin laban sa dating pangulo at bawal na lumagpas o lumaktaw gayundin ang palitan ang mga nakasaad rito.

Ito ay upang masigurong fair and square ang paglilitis at walang anumang taktikang gagamitin na hindi napaghandaan ng akusado.

--Ads--

Bagama’t ay kumpiyansa si Atty. Nicholas Kaufman, ang pangunahing abogado ni Duterte, na may malakas na argumento aniya sila upang itigil ang kaso laban sa dating pangulo sa ICC bago pa man ito dumaan sa paglilitis.

Subalit ani Abril na mainam na kung may nahanap man ang kampo ni Duterte na stratehiya o argumento upang mapabilis ang paglilitis ay ‘good move’ na maituturing kung mananatiling muna silang tahimik.

Samantala, sakali mang mapagkalooban ng interim release o pansamantalang kalayaan si Duterte, magiging hamon naman ang paggarantiya ng kaligtasan nito at ng kaniyang pamilya sa bansa kung sa pagbalik nito ay hindi ligtas o magkaroon ng socio-political turmoil.