Maituturing umanong offensive term ang salitang “pag-atake or invasion” na ginamit sa nangyayari ngayon sa Russia at Ukaraine.


Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Bombo International News Correspondent Genevieve Dignadice mula sa Moscow Russia ,nagkakaroon pa lamang ng pag-uusap ang Russia at Ukraine pero tila pinangunahan na ito ng ibang mga bansa na nagsasabing may giyera na sa pagitan ng mga ito.


Wala pa man aniyang nagaganap na aksyon ngunit napangunahan na ito ng kwento ng ibang bansa na nag udyok sa dalawang bansa na gumawa ng malalang hakbang.

--Ads--


Meron naman aniyang sinusunod na kasundaan ang dalawang bansa na mapapangalagaan ang seguridad ng kani-kanilang nasasakupan.

Magugunitang inanunsiyo ni Russian President Vladimir Putin na matagal na niyang pinag-isipan na killalanin bilang bahagi nila ang nasabing breakaway region ng Ukraine.