Dagupan City – Malaking katanungan ayon sa Political Analyst kung bakit hindi na lang inilaan ang pondo na ginamit sa senate building sa pagpapalakas ng maritime defense sa bansa.
Ayon kay Atty. Michael Henry Yusingco, Political Analyst, kung susuriin kasing mabuti ang inilaang budget para sa bagong senate building ay nasa P23 billion ngunit kung titignan naman ang lumang senate building ay maayos pa rin ang mga ito.
Binigyang diin niya na harap-harapan nang sinisindak ng China Coast Guard ang mga mangingisda at Philippine Coast Guard sa bansa sa pamamagitan ng pagpapakita ng Monster Ship. Kung kaya’t malaking katanungan aniya kung bakit hindi na lang ito ang tinutukan ng pamahalaan?
Bagama’t malinaw na walang balak na makipag-giyera ang China sa bansa, hindi dapat aniya magpakampante ang Pilipinas dahil hindi naman nasisindak ang China kung mangyari man ang giyera dahil ang bansa nila ang may pinakamalakas na maritime defense.
Malaking katanungan naman ayon kay Yusingco na hindi man lang naisip ng pamahalaan na paglaanan na lang sana ng pondo ang pagpapalakas ng maritime defense kaysa unahin ang seante building, dahil kilala ang Pilipinas na may malaking maritime coastal state ngunit wala namang malakas na depensa para protektahan ang ito.