DAGUPAN CITY- Hiling ng Ban Toxics ang masayang selebrasyon ng bagong taon nang hindi gumagamit ng paputok at boga bilang pampaingay.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Thony Dizon, campaigner ng Ban Toxics, ikinakalungkot nila ang patuloy na pagtaas ng mga kaso ng nabibiktima ng paputok dahil sa madali lamang makabili ang publiko ng mga paputok.
Bagaman, nagsagawa na rin ang iba’t ibang mga ahensya ng gobyerno ng kanilang aksyon hinggil dito ay patuloy pa rin ang pagtaas ng mga naitatalang kaso.
Patuloy naman ang kanilang panawagan at pagkampanya sa hindi paghintulot sa mga bata na gumamit ng boga.
Hiling din nila ang lalong paghigpit sa pagbili ng mga paputok lalo na sa online upang maiwasan ang pagtaas pa ng mga firecrackers related injuries.
Ani Dizon, malaki ang epekto ng madali at bukas sa publiko ang pagbili ng mga paputok kaya hindi naiiwasan ang kaugnay na insidente.
Mayroon din naman na patagong ibinebenta ang mga illegal o mga ipinagbabawal na paputok.
Samantala, naniniwala rin ng Ban Toxics na mas mainam ang magpatupad pa ng iba’t ibang pamamaraan o polisiya sa mga “red flag” na lugar upang tuluyan na itong maiwasan.
At ang kamakailan pag-uulan ay maaaring makaulong upang makabawas sa mga gagamit ngpaputok sa bagong taon.