DAGUPAN CITY- Umabot na umano sa hindi bababa sa 4 na naitalang insidente ng firecrackers related injury sa buong rehiyon uno.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay PLt. Col. Regina Abanales, Officer-in-charge ng Regional Civil Security Unit 1, ipinaalala niya ang mga pagbabawal sa mga malalakinf paputok na maaaring magdulot ng kapahamakan sa publiko. Katulad na rito ang watusi, piccolo, five star, plapla, lolo thunder, giant bawang, giant whistlebomb, Hello Colombia, at Goodbye Napoles.

Kaya bilang tugon, nagsagawa na sila ng mga inspekyon ang sa La Union at Pangasinan kaugnay sa mga nagbebenta ng paputok.

--Ads--

Aniya, umaabot sa 480 ang bilang ng mga may permit na magbenta nito sa buong rehiyon uno kung saan nangunguna ang lalawigan ng Pangasinan sa may pinakamalaking bilang na may 317.

Upang makakuha nito ay kinakailangang makapagbayad ng P2,000 fee sa Landbank of the Philippines at ipepresenta ito sa kanilang opisina.

Maliban diyan ay kinakailangan din ang retailer’s permit, letter of request na nagsasaaad kung saan sila magbebenta, Business Permit na in-issue ng Local Government Unit, at ang Authorization mula sa dealer ng FCPD.

Kinakailangan din ang original copy nila ng Fireworks Safety Training Seminar Certificate.

Samantala, tapos na ang deadline ng mga permit at sa ngayon ay hinihintay na lamang nila ang mga claimant ng nasabing permit.

Maliban naman sa paputok, nagpaalala rin si Abanales sa pag-iwas sa paggamit ng baril ngayon bagong taon upang maiwasan ang mga kaso ng ligaw na bala.

Aniya, mahaharap sa kasong alarm and scandal, illegal discharge of firearms, o paglabag sa Republic Act 10591 ang mga mahuhuling gagamit ng hindi rehistradong baril partikular na ngayong bagong taon.

Patuloy naman ang pagpoproseso nila sa mga surrendered fire arms sa buong rehiyon uno kung saan umabot na sa 363 ang lalawigan ng Pangasinan.

Aniya, may kataasan pa ngayon ang mga hindi pa nakakapagrehistro kung saan 29,621 sa lalawigan sa Pangasinan -ang pinakamaraming bilang sa kabuoang 52,260 sa buong rehiyon.

Kaya patuloy ang kanilang pagsasagawa ng caravan para tugunan ito.

Samantala, magsisimula sa January 12, 2025 ang kanilang pagpapatupad ng gunban at magtatapos sa May 25, 2025.