Nanawagan ang grupong Ban Toxics sa mga dentista at mga medical practitioners na huwag ng gumamit ng Mercury Dental Amalgam marahil ito ay may masamang epekto sa kalusugan.
Ayon kay Thony Dizon, Campaigner ng nasabing grupo na pinagbabawal ang paggamit nito lalo na sa mga bata at mga buntis marahil ang mercury ay itunuturing na neurotoxin.
Kung saan mayroon itong epekto lalo na sa utak at iba pang bahagi ng katawan ng isang tao.
Kaya’t nananawagan ito na huwag itong gamitin sa anumang produkto dahil magdudulot lamang ito ng peligro, mainam na lamang na gumamit ng mas ligtas na alternatibo upang hindi maisakripisyo ang ating kalusugan.
Samantala, dahil ngayong buwan ay oral health month aniya ay dapat nating siguruhin ang ating hygiene lalo na sa ating ngipin at mahalagang malaman ang mga ipinagbabawal para sa kaalaman ng publiko.