DAGUPAN CITY- Hindi gaano kilala sa Pilipinas ang Paget’s Disease subalit, mahalaga pa rin itong mapag-usapan upang maimulat ang mga Pilipino sa paghahanda sa pamamagitan ng edukasyon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Dr. Wilsky Delfin, Naturopathic Doctor/ Herbalist/ Natural Spine Alignment Specialist, ito ay isang uri ng sakit na iniiba ang porma ng mga apektadong buto.
Aniya, karaniwan itong nakakaapekto sa bahaging pelvis, bungo, gulugod, at mga binti.
Ito ay kinukunsiderang auto-immune disease na nakukuha mula sa pagkarupok ng mga buto.
Kadalasan naman ang nakakaranas nito ay mga matatanda at nakakaramdam ng mga pananakit ng kasu-kasuan.
Ani Dr. Delfin, kapag ito ay hinayaan, mauuwi ito sa pamamaga na makakaapekto sa kalapit na organ.
Kaya kaniyang ipinapayo na kung makaranas ng pananakit ng buto, beywang, ulo, at pamamaga ng hita ay agad magpakonsulta sa mga doktor.
Sasailalim ang isang pasenyente sa blood test at x-ray upang mapag-alaman kung ito ay nakakaranas na ng Paget’s disease.