Dagupan City – Matapos na magdesisyon ang Turkey na samahan ang South Africa sa pagdiin ng kasong genocide laban sa Israel.

Pinuri ng Hamas ang Turkey dahil ito na ang pang-pitong bansa na naghain ng reklamo sa International Court of Justice (ICJ) at nagsampa ng genocide case laban sa Israel.

Ang inisyatibong ito ay alinsunod sa nagpapatuloy na pag-atake ng Israel sa Gaza na ikinasawi ng maraming sibilyan.

--Ads--

Ayon sa ulat, ilang mga bansa na rin ang sumali at nagsampa sa International Court of Justice na kinabibilangan ng Colombia, Nicaragua, Spain, Libya, Palestine at Mexico.

Ayon sa Hamas na marapat na sumunod na rin ang mga Arab at Islamic countries para tuluyang sampahan na ng kaso ang Israel.