DAGUPAN CITY- Pinaghahandaan na ng gobyerno ng Israel ang nalalapit na pagselebra ng Ramadan sa kanilang bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Marvin Dabu Cuellar, Bombo International News Correspondent sa nasabing bansa, nauna nang itinataas ang seguridad sa bansa, kabilang na ang pagkakaroon ng security parameters at blockage.

Aniya, hinigpitan na rin ang pagpasok ng mga muslim mula sa ibang bansa.

--Ads--

Sa kasalukuyan ay napupuno na ng mga bus para sa mga Palestinian na gustong magsagawa ng pagdarasal sa Al-Aqsa Mosque sa Herusalem.

Sa isang buwan na pagdiwang ng Ramadan, nagsasagawa naman ng pass-over ang mga Israel o hindi pagkain sa mga piling pagkain.

Samantala, bagaman hindi pa natatapos ang hidwaan ng Israel at Hamas, nagiging maayos na rin ang sitwasyon sa Israel lalo na sa papalapit na Ramadan.

Gayunpaman, may kumakalat umanong magkakaroon ng protesta ang mga kabataang Hamas. Nakaalerto naman ang pwersa ng Israel kaugnay dito.