Pinaniniwalaang mapaghimala talaga ang imahe ng Poong Nazareno kung saan ilang beses na itong nakaligtas kagaya na lamang sa sunog.
Ayon kay Eufemio Agbayani III -Historical Sites Development III, National Historical Commission of the Philippines ang mga pangyayaring ito ay siyang naging dahilan kung bakit maraming mga deboto ang dumadalo sa pagdiriwang sa Poong Hesus Nazareno na kinilala rin ng Vatican bilang national feast para sa bansang Pilipinas.
Kung saan ang pagdiriwang na ito ay orihinal na nanggaling sa Espanya at ang pagsasagawa ng prusisyon ay isang paraan din upang maibahagi ang katuruan ng bibliya.
Bukod dito ang noven ay karaniwang ginagawa noon bilang paikot lamang sa Quiapo hanggang taong 2007 ng mapagdesisyunang manggaling na ito sa Rizal Park.
Samantala, ang naturang pagdiriwang ay magiging laganap sa buong Pilipinas at mundo.
Ibig-sabihin, sa araw ng Enero 9 ay maaari ng magsagawa ng misa sa iba’t ibang lugar ng bansa na may kinalaman sa paggunita rito.
Gayundin ang mga Pilipino sa buong mundo ay maaaring makiisa sa pagdiriwang sa karangalan ng Poong Hesus Nazareno.