Dagupan City – Nananatiling generally peaceful ang pagdiriwang at selebrasyon ng Pista’y dayat sa lalawigan ng Pangasinan at Bangus Festival sa syudad ng Dagupan ayon sa Pangasinan Police Provincial Office.
Ayon kay PCAPT. Renan Dela Cruz, Public Information Officer ng Pangasinan Police Provincial Office, masasabing napaghandaang mabuti ng kanilang hanay ang ginanap na selebrasyon sa pangunguna ni Provincial Director PCol. Jeff E Fanged, dahil sa kasalukuyan ay nanatiling 0 ang crime rate sa lalawigan
Aniya, bukod sa pagpapakalat ng mga personnel sa kanilang hanay ay may nakahanda ring nasa 140 reserve security forces personnel na siyang tutugon naman kung sakaling kinulang o may emergency na maitala.
Bagama’t araw-araw ding aktibidad ang isinasagawa sa syudad ng Dagupan, patuloy namang nakaantabay aniya ang kanilang hanay at nananatili pa rin ang pag-iikot ng mga ito sa kahit saang sulok ng mga selebrasyon.
Samantala, naka-full alert status pa rin naman ang mga ito dahil inaasahan in ng pagdagsa ng mga turista ngayong buwan.