DAGUPAN CITY- Simple at maikli lamang umano ang pagdiriwang ng kapaskuhan ng mga mamamayan ng bansang Norway kung saan nagkakaroon lamang ang mga pamilya roon ng salu-salo upang ipagdiwang ang pasko. 

Ayon sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Micho Riz Moncal, Bombo International News Correspondent sa bansang Norway, malamig na ang panahon sa nasabing bansa dahil sa pagbuhos ng snow. 

Aniya, walang masyadong nagpapatugtog ng mga pamaskong awitin kaya’t hindi gaanong karamdam ang diwa ng kapaskuhan. 

--Ads--

Malayong malayo rin umano ang pagkakaiba ang selebrasyon ng pasko sa bansang Norway kumpara sa Pilipinas dahil napakaikli lamang nito.

Aniya, simple lang din ang inilalagay na dekorasyon sa mga bahay-bahay at isinasagawa lamang ito tuwing buwan ng Disyembre. 

Ginagawa na lang din umano ng mga Norwegian ang pasko bilang bonding ng mga pamilya kung saan naghahanda ito ng mga tradisyonal na ma pagkain upang pagsalu-saluhan. 

Samantala, mga nakasanayang pagkain sa Pilipinas ang inihahanda ng mga Pilipino sa nasabing bansa upang maramdaman ang paskong Pinoy kahit nasa malayong lugar.