Masaya umano ang pagseselbra ng pasko ng mga Plipino sa bansang Israel kung saan pumupunta ang mga tao sa lahat ng mga Holy Places sa nasabing bansa upang doon ipagdiwang ang nasabing okasyon.
Ayon sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Jay-C Cruz, Bombo International Correpondent sa bansang Israel, ngayong taon ay aasahan magiging tahimik ang nasabing bansa mula sa pagpasok ng pasko at bagong taon dahil sa isinagawang ceasefire sa bansa.
Aniya, iba ang paskong Pinoy sa pasko sa ibang bansa kung saan iba ang diwa at pakiramdam kapag sinasalubong ng mga Pinoy ang nasabing okasyon.
Dagdag niya, pinakamasaya ang pagdiriwang ng pasko sa Pinas dahil hindi umano nakakapagcelebrate ang mga Pilipino ng pasko sa eksaktong araw sa Israel kundi sa day off lamang nila mula sa trabaho.
May mga lugar din sa Israel tulad ng Jerusalem kung saan nagsasabit ng palamuti ang mga tao, ngunit hindi lahat ng lugar ay nagsasabit ng mga ornaments ang mga tao dahil sa religious matters, kung saan karamihan sa kanila ay hindi naniniwala sa ilang mga tradisyon tulad ng pasko.