DAGUPAN CITY- Simple lamang ang isinagsagawan pagdiriwang ng kapaskuhan sa bansang Cyprus kung saan inilalaan nila ang espesyal na araw na ito para sa kanilang pamilya.
Ayon sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Felina Gregorio Benzon, Bombo International News Correspondent sa Cyprus, abala na ang mga tai sa pamilihan upang makabili ng mga kakailanganin sa Noche Buena.
Aniya, iba iba ang pamamaraan ng mga tao roon kung paano ipagdiwang ang pasko, mayroong nasa bahay lamang kasama ang pamilya, mayroon ding pumupuntang ibang bansa at piniiling mag travel.
Dagdag niya, pagsapit pa lamang ng Setyenmbre ay naghahanda an anag mga tao roon ng mga pang dekorasyon at inuumpisahan na ring ayusin ang kanilang mga dining area.
Hindi rin ka bongga ang pagdiriwnag ng pasko kumpara sa Pilipinas at iba apang mga bansa.
European style din ang kanilang isinasagawang selebraryon at intimate lamang.
Naghahanda rin ang mga tao roon ng mga matatamis na pagkain at naghahanda ng pasta, nuts at tsokolate sa kanilang mesa.