DAGUPAN CITY- Tahimik at pribado ang pagdiriwang ng kapaskuhan sa Saudi Arabia kung saan walang mga dekorasyon sa mga pampublikong lugar na nakalaan para sa pagdiriwang ng nasabing selebrasyon.
Ayon sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Robel Mangandam, Bombo International Correspondent sa Saudi Arabia, tahimik at peaceful umano ang selebrasyon ng kapaskuhan sa nasabing bansa.
Aniya, halu-halo umano ang mga naninirahan sa Saudi Arabia, at hindi isinasapubliko ang nasabing pagdiriwang.
Dagdag niya, walang isinasagawang simbang gabi dahil sa kawalan ng simbahan.
Mayroon ding mga palamuti sa labas ng mga gusali ngunit hindi ito inalalagay upang ipagdiwang ang kapaskuhan.
Samantala, nag-uumpisa na rin ang mga Overseas Filipino Workers o OFW’s sa nasabing bansa na magplano kung paano ipagdiriwang ang pasko sa mga ekslusibong lugar.
May mga isinasagawa ring pagpapalitan ng regalo ngunit sa ilang mga community lamang unano, tulad ng mga Filipino Community.
Kadalasan din umano ay hindi na nakakapagdiwang ang mga Pilipino sa bansa ng pasko sa eksaktong araw at isineselebra na lamang nila ito sa kanilang libreng oras.