BOMBO DAGUPAN -Gaya sa Pilipinas, ipinagdiriwang ang Father’s Day ng simple sa bansang Singapore.

Ayon kay Mercy Saavedra, Bombo International News Correspondent sa Singapore, kadalasan ay lumalabas ang pamilya para kumain sa restoran at magpicinic sa mga park.

May mga discount sa mga restoran or surprises sa mga establisyemento.

--Ads--

Bilang OFW ay tumatawag siya sa kanyang asawa at mga anak sa Pilipinas para bumati. Nakaugalian na rin daw ng kanyang pamilya na magluto bilang bahagi ng selebrasyon.

Samantala, malayo man siya ay lumaki ang mga anak niya na nasa tamang direksyon sa tulong na rin ng kanyang asawa na nangalaga sa kanila dito sa bansa.

Ibinahagi rin ni Saavedra na lumaki siya sa pangaral ng kanyang lolo dahil wala siyang nakagisnang ama.

Tinuruan umano siya ng kanyang lolo at lola ng magandang asal kaya lumaki siyang positibo ang pagiisip kahit binubully siya noong bata pa.