DAGUPAN CITY- Dalawa ang uri ng Islam sa bansang Iraq kung saan hati o hindi sabay ang kanilang pagdiriwang ng Eid’l Adha.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Herme Espin, Bombo International News Correspondent sa Iraq, nagkakaroon ng magkahiwalay na petsa ng selebrasyon depende sa relihiyosong paniniwala ng bawat grupo.

Aniya, sa kabila nito, masigla at makabuluhan pa rin ang ginagawang pagdiriwang.

--Ads--

Kabilang sa mga tradisyon tuwing Eid’l Adha ay ang pagdalaw sa mga kamag-anak, kaibigan, at kakilala.

Nagiging pagkakataon ito upang makapagkumustahan, makapag-bonding, at higit sa lahat, makapagpatawaran ang mga taong may tampuhan o hindi pagkakaunawaan.

Inihalintulad din ang selebrasyon ng Eid’l Adha sa Pasko sa Pilipinas, kung saan nangingibabaw ang diwa ng pagmamahalan, pagbibigayan, at pakikipagkapwa-tao.

Dagdag pa niya, nakikibahagi rin ang ilang mga Pilipino sa Iraq sa mga pagdiriwang bilang bahagi ng pakikisama at respeto sa kultura ng bansang kanilang kinaroroonan.