Dagupan City – Hindi pa rin nakikitang dahilan ang ginawang pagdinig ng Senate Committee on Foreign Relations upang mapabalik sa bansa ang dating Pangulong si Rodrigo Duterte.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Joseph Emmanuel Cera – Constitutional Lawyer, hindi kasi nito nakikitang sasailalim ang International Criminal Court o ICC bilang respondent sa mga katanungan ng publiko partikular na ng mga taga-suporta ng dating pangulo.

Hinggil naman sa naging pagdinig sa Senate Committee, sinabi ni Cera na maganda ang mga naging katanungan ni Senator at Presidential Sister Imee Marcos dahil nagsilbi naman itong pambukas sa kamalayan ng publiko.

--Ads--

Ani Cera, maganda ang naging pagdiin nito sa Article 59 na bago mapunta sa kustoditya ang isang akusado at maaresto, ay kinakailangan muna nitong mag-render sa korte sa Pilipinas para sa husgaan sa kaniyang pagkaka-aresto

Sa kabila nito, nilinaw naman ng abogado na mayroon ng inisyu ang International Criminal Police Organization (Interpol) kay Duterte at inaantay na lamang kung kailan isasakatuparan.

Dito na rin mapapansin aniya na ipinakita ng pamahalaan na bukas ito sa pagsisilbi ng kaso sa dating pangulo.
Hinggil naman sa nais ng iba na parusahan si Police Maj. Gen. Nicolas Torre III, director ng police Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), sinabi ni Cera na maaring hindi ito maisasakatuparan dahil maaring idahilan ni Torre na hindi siya ang may hawak ngayon sa pangulo kundi ang ICC.