DAGUPAN CITY- Malawak ang naging sabwatan ng mga kontratista at mga opisyal hinggil sa maanumalyang flood control projects at mataas ang tsansang kabilang umano ang Department of Public Works and Hughways (DPWH).
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Prof. Roland Simbulan, Chairperson ng Center for People Empowermnet in Governance, hindi dapat nagkaroon ng sertipikasyon mula DPWH na nagpapatunay na natapos ang isang proyekto kung ito ay hindi naman talaga ginawa o tinapos.
Maliban pa riyan ay binayaran pa rin ang kontratista ng mga ghost projects.
Isa naman conflict of interest sa mga kongresistang may construction firm business/es na nag-iimbestiga rin sa naturang proyekto.
Dapat aniya mabantayan din ang mga ito upang mapatunayang malinis ang kanilang intensyon.
Samantala, magiging sampal naman para kay Sec. Amenah Pangandaman ng Department of Budget and Management (DBM) ang isusulong na panukala ng mga House Leaders kung saan ibabalik ang aprubadong 2025 National Budget Program dahil sa nakitang mga red flags, lalo na sa mga proyekto.
Kabilang sa mga ito ay ang pare-parehong halaga ng Flood Control Projects at ang pagkakabilang pa rin sa 2026 National Budget ng mga proyektong ‘completed’ na sa report.
Dapat aniya, naging mahigpit ang pag-screen ng ahensya sa mga budget proposals na isinumite sa kanila at hindi dapat ireklamo ang dami nito sapagkat ito ay bahagi ng kanilag trabaho.
Dagdag pa ni Simbulan, hindi nagampanan ng Commission on Audit (COA) ang kanilang mandato na bantayan ang paggastos sa pera ng bayan.
Sa kabilang dako, ‘People with high crediblity’ dapat ang italagang mga miyembro ng Independent Commission para magsagawa ng imbestigasyon sa ghost projects.
Dahilan para mabanggit umano si Baguio City Mayor Benjamin Magalong sapagkat ito ay walang kinakatakutan.
Patunay nito ang pagkatalaga sa kaniya noon para imbestigahan ang kapalpakan sa likod ng operasyon ng Saf 44.