Sinimulan muli ng Task Force Bantay Ilog ang pagde-demolish ng mga illegal fishpen sa mga ilog sa lungsod ng Dagupan.


Ayon kay Abel Abueme, ang hepe ng naturang kagawaran, naantala lamang ang kanilang isinasagawang demolition dahil pinalipas lang muna nila ang holiday season at ang fiesta ng naturang lungsod.
Nagsimula ang gawaing ito noong nakaraang Nobyembre at tumigil aniya sila noong ika-21 ng Disyembre makaraang taon.


Aniya mayroong humigit kumulang sampung fishpens ang nakatakdang buwagin at ngayon lamang nila ito maitutuloy.
Nakapagsimula na umano sila sa isang unit kung saan pinapaalam muna nila ito sa mga operators bago ang demolisyon.

--Ads--


Lahat daw ng naka-schedule sa linggong ito ay ang mga fishpens sa loob ng Brgy. Pugaro.
Naging matagumpay naman sa kasalukuyan ang isinasagawang demolisyon dahil napapaalalahanan naman ang mga violators ngunit aniya hindi naman maiwasang magkaroon ang mga ito ng pagtanggi dahil ito rin naman ang kanilang pangunahing hanapbuhay.


Wala rin naman aniya silang magawa dahil ito ay nakapaloob lamang sa utos ng Mayora ng lungsod na si Mayor Belen Fernandez.


Ang mga violators naman daw na may mga hawak na legal na papeles ay nire-resize lamang nila ang mga fishpens ng mga ito kung nakalagpas sa required size na kanilang itinakda.

TINIG NI ABEL ABUEME


Wala naman aniyang karagdagang bayad ang mga ito kung magkakaroon lang naman ng pagbabago sa sukat ang naturang usapin.


Samantala, hinihintay daw muna ni Abueme na matapos ang kanilang pag-uusap ni Mayor Belen ukol sa timetable kung hanggang kailan matatapos ang demolisyon.