Dagupan City – Inaantay na ng Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan ang desisyon ng Department of Agriculture sa pagdedeklara ng state of calamity sa lalawigan dahil sa epekto ng El Niño.

Ayon kay Ayon kay Pangasinan Vice Governor Mark Ronald Lambino, patuloy na nakikipag-ugnayan ang pamahalaan ng lalawigan sa Pangasinan Disaster Risk Reduction Management Office kaugnay sa rekomendasyon ng tanggapan ng agrikultura at ng nasabing departamento sa pagpapatupad ng nasabing panukala.

Aniya, ikinokonsidera rin kasi ang epekto nito sa mga magsasaka sa lalawigan kung saan ay may mga naitatala na ring pagakakroon ng pagkatuyot ng kani-kanilang mga sakahan.

--Ads--

Gaya na lamang ng pagbaba ng suplay ng patubig mula sa mga service water at ground water ng mga pumps.
Kaugnay nito, binigyang diin ng bise gobernador na Malaki ang epekto nito sa nakatakdang anihan a buwan ng hunyo ngayong taon.