BOMBO DAGUPAN – Ikinatuwa ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Manaoag ang pagdedeklara dito bilang 100% Barangay Drug Cleared.

Kamakailan ay opisyal na ibinigay ng Philippine Drug Enforcement Agency- Pangasinan sa pamumuno ni Provincial Officer Rechie Camacho ang Certificate and Resolution of Drug-Cleared Status sa Barangay Poblacion na siyang pinakahuling barangay na nabigyan nito sa 26 na barangay sa bayan kaya naging isang daang porsyento na itong drug cleared.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Manaoag Mayor Jeremy Agerico Rosario, sinabi nito na isa itong magandang balita ito na sa wakas ay naitayo nila ang bayan ng Manaoag sa listahan ng matataas na bilang ng uncleared barangay.

--Ads--

Aniya na sa kanyang unang pag-upp bilang alkalde ay nasa iisa pa lang umano ang nagdrug cleared ngunit sa ngayon sa tulong mga Barangay Officials lalo na ang kanilang mga Barangay Secretary dahil maraming mga dokumento ang kailangan nilang maipasa sa tanggapanan ng PDEA.

Saad pa ni Mayor Rosario na dahil sa kanilang pagpupursige laban kontra illegal na droga ay nakapagpatayo sila ng sarili nilang Balay Silangan Reformation Center na napapakinabangan ng kanilang bayan at karatig bayan kung saan mayroon na silang mahigit 50 indibidwal ang napagraduate na siyang mabibigyan ng bagong buhay at pag-asa sa pagtahak ng bagong landas sa komunidad.

Samantala, ang paglaban sa illegal na droga ay hindi nagtatapos sa pagdeklara bilang drug cleared dahil tuloy-tuloy ito upang tuluyan nang mawakasan ang problemang ito.

Panawagan nito sa publiko na hindi lang umano trabaho ng gobyerno, PDEA, Munisipyo o kapulisan bagkus ay lahat ng mamamayang lalo na sa kanilang bayan kaya kailangan magtulungan upang mapanatili ang pagiging 100% Barangay Drug Cleared sa bayan ng Manaoag.