Dagupan City – Hakbang lamang para mapanatili ang kaayusan sa Estados Unidos ang ginawang pagdedeploy ng National Guard sa Washington DC.
Ito ang binigyang diin ni Marissa Pascual, Bombo International News Correspondent sa Estados Unidos sa naging panayam sa kaniya ng Bombo Radyo Dagupan.
Aniya, kilala kasi ang Washington DC bilang isa sa mga lungsod na may mataas na antas ng kriminalidad sa bansa.
Sa katunayan, naitala na ang mahigit 100 kataong naaresto sa estado kamakailan dahil sa iba’t ibang krimen.
Binigyang-diin ni Pascual na layunin lamang ni Pangulong Trump na gawing “crime-free” ang buong bansa, kaya’t inilunsad ang mga hakbang tulad ng pagsasagawa ng mga raid at paglalagay ng pwersang militar sa mga lungsod na itinuturing na hotspots ng krimen.
Matatandan na mariing kinondena ni Washington DC Mayor Muriel Bowser ang pagde-deploy ng tropa ng US National Guard sa lungsod na iniutos ni U.S. President Donald Trump, bilang tugon umano sa lumalalang kriminalidad sa lugar.
Dito na rin tinawag ni Browser bilang “authoritarian push” ang hakbang dahil hindi makatotohanan ang sinasabing paglala ng krimen sa Washington DC, at binatikos niya ang paglalatag ng pederal na pwersa sa lungsod na tila kumikwestyon sa awtonomiya ng lokal na pamahalaan.