Pinabulaanan ng Sta. Barbara PNP ang ulat hinggil sa isang barangay kagawad umano sa kanilang nasasakupan na nag daos ng birthday party.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay PMaj. Angelo Camuyot, OIC ng Sta. Barbara PNP, dito sa lalawigan ng Pangasinan, wala pa naman umanong natatanggap na ulat ang kanilang himpilan ukol dito dahil kanila rin naman umanong tinitiyak na hindi makakalusot ang ganitong gawin na lantarang paglabag sa mga alintutunin sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).
Samantala, nagbabala naman si Camuyot na bagaman ay wala pang napapaulat na mga ganitong insidente sa kanilang bayan ay nanawagan sa publiko na iwasan muna ang pagdaraos ng ganitong kalaking mga pagtitipon nang hindi malabag ang social o physical distancing.