Dagupan City – Tinututukan ngayon ng PNP Calasiao ang pagdami ng mga namamalimos sa bayan.
Ayon kay PltCol Ferdinand Lopez, Chief of Police ng Calasiao PNP mahigpit umanong ipinagbabawal ito sa batas sa ilalim ng Anti-Mendicancy Law of 1978 kung saan ay maaring maparusahan o makulong ang mga ito ng 2 taon.
Ngayong BER-months kasi aniya ay mas nadagdagan at naging aktibo ang mga ito na nagreresulta sa pagkaabala sa publiko.
Gaya na lamang ng pagiging pakalat-kalat ng mga ito sa kakalsadahan na nagiging sanhi ng trapiko.
Pagbabahagi pa ni Lopez, maaring hindi rin mula sa bayan ang mga namamalimos kundi-may posibilidad na dito lamang sila inilagay.
Karamihan na rin kasi aniya sa mga ito ay itinuring na ring trabaho ang panlilimos.
Paalala naman nito sa publiko, huwag magbigay sa mga namamalimos dahil nagiging sanhi pa sila ng pagdami ng mga ito.