Dagupan City – Inaasahan bukas ang pagdami ng mga Beach Goer na pupunta sa Tondaligan Beach sa Dagupan City.

Ayon kay Resty Tamayo, Officer in Charge ng Tondaligan Shed Owner Association, inaasahan na mas madaragdagan pa ang mga turista na darayo sa beach.

Kung ngayon kasi aniya, madalang at kakaunti lamang ang pumupunta dahil abala ang bawa’t pamilya sa pag-preprepara ng kani-kanilang Media Noche.

--Ads--

Hinggil naman sa presyo ng mga shed, hindi nila ito kontrolado aniya, dahil ang customer mismo ang nakikipag-usap sa mga shed owners.
Sa pagdadala naman ng papag at tents, may mga oras ang mga ito upang mas maging maayos at malinis ang pwesto ng bawa’t turista.

Ayon naman kay Ella Oribello, Team Leader ng Lifeguard Tondaligan, 100% ng alerto ang kanilang personnel lalo na’t inaasahan ang pagdagsa ng mga turista bukas.

Nagkasa na rin ang mga ito ng augmentation katuwang ang Philippine Coast Guard, Philippine Maritime Police, at Philippine Navy upang makamit muli ang 0% drowning incident noong unang araw ng 2024. Sa kabuuan, nakapagtala ang mga ito ng 1 pagkalunod sa kanilang area sa buong taong 2024.

Paalala naman nito sa publiko, 24/7 na alerto ang kanilang tanggapan at bukas ang mga ito sa tawag ng serbisyo.

Ā Ipinaliwanag naman nito ang kahulugan ng mga flags na kung saan ang pink, green, at yellow ay nangangahulugan na maaaring lumangoy ang mga ito. Habang ang red flag naman ay nangangahulugan na delikado ang nasabing area dahil malaki ang tiyansa na tangayin ng alon ang sinumang susubok na lumangoy dito.