Nanganganib ang Sudan na maging isang ‘failed state’ dahil sa pagbagsak nito dulot ng pagdami ng mga armadong grupo.
Maliban sa mga sundalo at ang Rapid Support Forces na patuloy naglalabanan sa nasabing bansa, mayroon pa itong mga maliliit na armadong etniko na ninanakawan at naggugulo sa mga sibilyan.
Ayon kay Jan Egeland, head ng Norwegian Refugee Council (NRC), sinisira ng mga ito ang mga kabahayan sa kanilang sariling lugar at pinapaslang din ang mga taong naninirahan.
At sa loob ng 19 na buwan, umabot na sa 10 million katao ang napilitang lisanin ang kanilang mga bahay at makaranas ng kagutuman.
Kinakatakot naman ng mga ekpserto na maaaring umabot sa 2.5 million katao ang masawi dahil sa kagutoman sa pagtatapos ng taon na ito.
Samantala, libong katao na rin ang nasawi sa Sudan simula nang sumiklab ang gyera.