DAGUPAN CITY- Inaasahan na ng St. Vincent Ferrer Prayer Park Chapel sa bayan ng Bayambang ang pagdagsa ng mga deboto at turista sa Semana Santa.
Kilala ang parke na ito hindi lamang sa mga magagandang tanawin kundi pati na rin sa preskong hangin na hatid nito sa mga dumadalaw.
Sa ganitong panahon nga ay dumidiskarte rin ang ilang mga indibidwal sa pagbebenta o pagnenegosyo.
Sa kabila ng abalang panahon, masaya naman si Fernando Verseles, isang ice cream vendor at presidente ng kanilang samahan, na magbibigay serbisyo sa mga bisita ng Prayer Park.
Sa kanyang tatlong dekadang pagtitinda ng sorbetes, madalas siyang magbenta sa iba’t ibang Barangay sa nasabing bayan habang tuwing weekend at holiday naman sa parke kung saan dumarami ang mga turista.
nagpupunta dito na parang hindi na mahulugan ng karayom ang lugar
Madalas siyang nakakakilala mula sa iba’t ibang bayan at maging mula sa iba’t ibang lalawigan
Ayon kay Verseles, inaasahan niyang makikinabang siya sa mas mataas na kita ngayong taon, na makakatulong sa pag-aaral ng kanyang mga anak at mga pangangailangan ng pamilya.
Tiniyak din niya na magiging maayos at komportable ang karanasan ng mga bibisita sa Prayer Park sa pagdaraos ng Semana Santa.