DAGUPAN CITY- Tiniyak ng mga awtoridad ang kaayusan at kapayapaan sa San Fabian Beach nang dagsain ito ng mga turista.

Ayon kay Nilo Dojillo, Barangay Captain ng Brgy. Nibaliw Vidal sa San Fabian, Pangasinan, taon-taon na nilang isinasagawa ang buong pagbabantay sa mga turistang bumibisita sa San Fabian beach.

Aniya, kasama ang mga tanod, simula Enero 1 hanggang Enero 4 ang kanilang pagbabantay at araw-araw ay inaabot nila ang alas-8 nang gabi.

--Ads--

Nakapagtala man ng insidente subalit, naging mabilis ang pagresponde at agad din nailigtas ang bata.

Samantala, balik na sa dating presyo ang mga cottage matapos ito magtaas dahil sa pagdagsa ng mga turista.

Hiling naman ni Dojillo ang pagdami pa ng mga bisita upang tuloy-tuloy ang kanilang pagbangon mula sa pananalasa ng Bagyong Uwan noong nakaraang taon.