DAGUPAN CITY- Lubos nang pinaghahandaan ng mga opisyal ang maaaring pagdagsa ng mga turista sa Alaminos City para sa mamasyal at magbakasyon para sa nalalapit na Semana Santa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Miguel “Mike” Sison, Tourism Officer ng Alaminos City, ilang linggo na ng nakakaraan simula nang maghanda ang kanilang opisina para sa mga turistang darating sa kanilang lugar.

Aniya, inaasahan na ng kanilang opisna ang pagdagsa ng mga tao lalo na sa mga tourist spots na taon-taong dinarayo ng mga tao.

--Ads--

Pinahahalagahan din nila ang best experience ng mga bisitang pupunta , kaya’t inihahanda na nila ang lahat ng mga kakailanganin at mga bagay na dapat isaalang-alang upang maging masaya at unforgettable ang kanilang pagbisita.

Bukod pa rito ay katuwang ilang ahensya ay pinagtutunan din nila ng pansin ang bantang dala ng mainit na panahon.

Noong nakaaang taon ay umabo ng 23,000 na mga bisita ang dumating, samatalang inaasahan naman ang lalong pagsagsa ngayong taon dahil wala nang pasukan ang mga estudyante na makakaragdag sa mga pupunta.

Dagdag niya, bukod sa mga kilalang pasyalan sa nasabing lugar ay may mga nihanda pang ilang pasyalan ang kanilang opisina na maaaaring puntahan ng mga bibisita.