DAGUPAN CITY- Tinitiyak ng Mangaldan PNP ang seguridad ng mga aspiring public officials sa kanilang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) para sa nalalapit na election sa taong 2025.
Ayon kay PLt. Col. Roldan Cabatan, Chief of Police sa naturang bayan, iilan pa lamang ang naitatalang naghahain ng kandidatura sa kanilang bayan sa loob ng 4 na araw. Kung saan ang Commission on Election Mangaldan Office ay nakakapagtala pa lamang ng limang aspiring public officials.
Kanila naman inaasahan ang agdagsa ng mga maghahain ng kandidatura sa mga susunod na araw particular na sa huling araw sa Oktubre 8.
Ani Cabatan, buong handa ang kanilang pwersa at alista kung sakaling nagsidagsaan na ang mga maghahain.
Sinabi niya na batay sa ibinigay na kautusan mula kay bagong Provincial director PCol. Rollyfer Capoquian, ide-deploy ang kanilang mga tauhan sa mga pangunahing lugar kung saan isasasagawa ang filing ng certificate of candidacy.
Kaugnay nito, may layunin itong matiyak ang kaayusan at ligtas na proseso para sa mga kakandidato at kanilang mga tagasuporta.
Pinayuhan din ni Cabatan ang mga magpa-file ng COC na maging maingat at i-report agad ang anumang kahina-hinalang aktibidad sa kanilang mga himpilan.
Tinitiyak ng PNP na kanilang susubaybayan ang sitwasyon upang mapanatili ang kaayusan sa buong proseso ng eleksyon 2025.
Sa kabila nito, Hinihimok ang lahat ng mamamayan na makipagtulungan sa mga awtoridad upang matiyak ang isang mapayapa at matagumpay sa darating na eleksyon.