Dagupan City – Naging matagumpay ang isinagawang 3rd Quarter Meeting ng dalawang cluster ng Area Based Standards Network na Pangasinan-Asin at Dagupan Bangus Cluster na ginanap sa City Tourism Function Hall sa Barangay Lucap sa lungsod ng Alaminos.
Tinalakay dito ang mga usapin ukol sa updated guidelines and policies ng Department of Social Welfare and Development habang pinag-usapan din ang mga concerns, fund raising options, schedule of ABSNet Cluster’s Election, sharing of good practice at iba pa.
Dinaluhan ito ng nasa 32 indibidwal na kasapi sa bawat grupo na non-government organization sa buong Pangasinan.
Ayon kay Arzel Manalili ang President/ Chairperson nf ABSNet Pangasinan Cluster at ABSNet Ilocos Region na isa sa naging usapin ay ang Memorandum Circular no. 18 kung saan ito ay ang magiging pagbabago sa naunang Memorandum Circular no. 17 kung saan nais nagsasabing icentralized ang Registration, Licensing ng Social Workers Development Agencies (SWDAs), at Accreditation ng mga programa at serbisyo ng Social Workers Development.
Aniya na malaki ang gampanin ng ganitong meeting kung saan dito nalalaman ang mga suhestiyon, rekomendasyon at iba pang nais maibahagi ng DSWD sa mga katuwang nilang Clusters para mapasaayos ang mga ginagaaang serbisyo sa komunidad dahil ang usapin dito ay naibabahagi sa National para magkaroon ng plano at matugunan ang nais magawa sa bawat Clusters.
Samantala, inaasahan na sa pang-apat na meeting ay pag-uusapan na ang pagiging isa ng dalawang cluster dito sa Pangasinan at magkakaroon na ng election ng bagong liderato dito. (Oliver Dacumos)