Dagupan City – Tinututukan ng Market Division dito sa Bagsakan at Urdaneta Public Market sa lungsod ng Urdaneta ang pagcalibrate sa mga timbangan ng mga vendors upang maiwasan ang dayaan sa mga mamimili.

Ayon kay Andrew Eusebio S. Asuncion ang Chief ng Market Division sa lugar na nagrequest na sila ng ordinansa sa lokal na pamahalaan para sa calibration ng weighing scale upang maipatupad ang tamang paggamit sa mga timbangan.

Nakasaad umano sa ordinansa na lahat ng timbangan dito ay dapat taon-taon silang magpacalibrate na ginagawa sa kanilang opisina kung saan nilalagyan na nila ng sticker ang bawat timbangan na binabayaran ng mga vendors ng 200 pesos.

--Ads--

Aniya na madali na lamang ito sa kanilang opisina dahil may mga natrain naman umano na ilang tauhan ng Market Division ang DTI para sa calibration.

Kaugnay nito, sa ngayon ay may sinusunod na silang ordinansa dahil maraming nagrereklamo sa mga madayang timbangan sa lungsod ngunit ngayon may mga isolated cases parin ang naitatala ngunit nababawasan naman na umano ang dahil binibigyan nila agad ng tugon ang sa kanilang opisina kung saan nabibigyan ng warning ang mga vendors na nairereklamo dito.

Patuloy naman ang monitoring ng ilang timbangan sa bawat section sa lugar upang makita kung nasusunod ang tamang timbangan ng mga vendors.

Dagdag nito na mayroong dalawang Timbangang bayan ang nakalagay sa Market isa sa Bagsakan at isa sa Public Market na maaring puntahan ng mga mamimili kung diskumpyado sila sa timbang ng pinagbilhan nila.