BOMBO DAGUPAN- “Dapat hatiin ang pagbuo ng Technical Working Group (TWG) at isama ang mga stakeholders.”

Yan ang binigyang diin ni Argel Joseph Cabatbat Chairman, Magsasaka Partylist sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan sa kanya ugnay sa paglikha ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ng Technical Working Group (TWG) para paigtingin umano ang administrative procedures at policies gayundin upang tanggalin ang non-tariff sa mga agri-imports.

Aniya na isa sa kanyang mga rekomendasyon na sana ay isama sa TWG na agenda ang mga ilan sa mga grupo ng mga magsasaka upang sila ay mapakinggan.

--Ads--

Kaugnay nito ay umaasa din siya na ang pagbuo ng nasabing grupo ay dahil narin sa mga insidenteng kagaya ng programa ng Department of Agriculture (DA) kung saan ay may ipinamimigay na mga libreng pataba at kagamitang pang-agrikultura ngunit nagkakaroon ng bentahan.

Idagdag pa ang mga hindi nakatanggap ng tulong pinansyal na nakalistang naclaim na at naibigay ang pera mula sa gobyerno ngunit hindi pa pala.


Aniya ay hindi naging malinaw ang implementasyon sa nasabing ayuda.

Samantala, nilinaw niya din na dapat magkaroon ng batas na magmomonitor sa pagbebenta ng mga rice import gayong importers at retailers lamang ang kumikita. Dagdag pa niya na nabili man nila ng mura ang bigas ngunit kapag binenta naman ay sobra-sobra ang presyo.