Dagupan City – Hindi sagot ang pagbuhay ng death penalty sa bansa.
Ito ang binigyang diin ni Atty. Michael Henry Yusingco – Political Analyst matapos na muling mabuhay ang death penalty ng mababang kapulungan ng Kongreso kung saan gagamitin ang “firing squad” bilang kaparusahan sa mga opisyal ng pamahalaan na mapapatunayang mahahatulan ng mga katiwalian.
Aniya, marami na ang naghain ng death penalty sa bansa ngunit walang napapatunayang tugon sa katiyakan ng conviction kung kaya’t hindi aniya ito malinaw na sagot sa bansa.
Binigyang diin ni Yusingco na ang legal process ang kailangang tutukan ng bansa dahil doon nagkakaroon ng pagkukulang kaya hindi tiyak ang proseso.
Dito na sinabi nito na huwag mag-suhestyon ng panukala para lamang umingay at makuha ang pulitikal na intensyon.
Panawagan nito sa publiko, gawing batayan sa pagboto ang mga tumatakbong may kakayahan na maghanap ng solusyon at tugon sa mga problema sa bansa.